Sinehan noon at ngayon...
By: Trese 10.23.2012
Bakit kilala ang mga sinehan sa Quiapo? Dahil ba class A ang mga sinehan dito? Nakapanood ka na ba ng mga back to back movies ng mga gulay sa bahay kubo? Pamilyar ka ba sa mga sinehan tulad ng Imperial Cinema, Diamond Theater at Coronet... Siguro nga sa mga bata na nagbabasa nito mapapakamot ka at baka murahin mo ako (Tang ina, ano pinagsasabi nitong gagong ito!!!!). OO na Sige na kayo na mga bata, ito ang mga sinehan nung araw na madalas naming puntahan dahil wala pang SM Cinema, Rockwell, Greenbelt at mga I-Max noon. Ito ang mga sinehan na sinehan talaga, mga sinehan na hindi makikita sa loob ng mall kung hindi isang establishimyento na pupuntahan mo para manood lang ng sine.
Isa sa pamantayan ngayon ng estado ng tao kung saan ka nanonood ng sine, isa nga yan sa mga madalas na status ng mga tao sa Facebook "Watching movie in Rockwell" o kaya " movie night with the girls at Greenbelt" syempre kung sa mga sosyal na moviehouse ka manonood tiyak na maraming like at comment ang makukuha ng post mo. Wala pa akong nakitang status na "Dito ako Ubelt enjoying a back 2 back movie" ayos, dalawa lang iisipin sayo ng tao, pwedeng isipin nila na namamakla ka kung lalake ka dahil wala kang pang-tuition fee o kaya naghahanap ka ng sugar daddy na DOM kung babae ka pambili ng load...Masakit man pero yan ang kasalukuyang pagiisip ng lipunan na mapanghusga.
Tanong pa dyan kung IMax ba yan, 3D or HD ang pinapanood mo my friend! Sino maniniwala sayo na may HD yung Kimi Dora o kaya yung Babae sa Breakwater, kaya bago ka magpost isipin mo kung ka-HD HD ba yang pinapanood mo. Ta%^ &^a yung iba panay ang status na nanood sila ng HD at IMax kung tatanungin mo kung maganda yung palabas ang sagot sau "K lang", feeling cool ka! Mukha mo di mo lang naintindihan kasi English, anong alam mo sa cinematography at screenplay aber, ako mismo aminado ako na di ako batikan sa mga pelikula pero parang awa mo naman wag ka na magyabang kung ang naintindihan mo lang ay yung ending pag nandyan na ang mga pulis at yung mga bida ay sumasayaw sila sa tabing dagat sabay kanta ng humanap ka ng panget....
Pakialam ko ba diba eh pera nila yun o kaya pera ng mga jowa nila na hiningi rin nila sa magulang nila bakit masyado ako apektado, sige na titigilan ko na kayo.
Noon ang pagpanood ng sine ay di ganun ka big deal kasi nga naman wala pang DVD, VCD at Torrent na kung saan lahat ay pwede mong mapanood at madownload ng walang kahirap hirap.Di pa naman ganun ka-active ang mga social network para ipagyabang mo kung saan ka nanonood ng sine dahil MS Dos pa lang ang kompyuter noon. Pero ngayon pag nanood ka ng sine kailangan mo na i-status yun sa facebook at i-tweet mo sa twitter, isama mo na rin yung inorder mong pop corn at rootbeer sabay banat ng Instagram. Isa pa sa napansin ko ngayon ang mga sinehan ay may tinatawag nang "Sure Seats" kung saan sure ka nga na may maayos kang uupuan at pwesto ang nakakalungkot lang di mo na pwede ulitin ang palabas na pinapanood mo, naalala ko nanood ako nang Star Wars Episode 1 kung saan inulit ko sya ng apat na beses paglabas ko isa na akong ganap na Jedi, ngayon pagbukas ng ilaw ibig sabihin lang nun tumayo ka na at may iba pang uupo ungas.
Siguro nga marami nang pinagbago ang panonood ng mga pelikula bukod sa di na natin masyado tinatangkilik ang mga sariling atin at tinatyaga pa natin na sa DVD na lang ito panoorin, kung presyo lang din naman kasi ngayon ng pagpanood ng sine mas uunahin mo nga naman ang kalam ng sikmura kaysa ibigay kay Henry Sy at Gokongwei ang pera mo. Dun naman sa mga sinehan sa Quiapo at Aurora gusto ko man kayong panooran muli ngunit ayaw ko naman makita sa kamera ng XXX at imbestigador... ano nga ba palabas ngayon sa Ali Mall?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento