Sabado, Oktubre 27, 2012

Sinehan noon at ngayon...













Sinehan noon at ngayon...
By: Trese 10.23.2012
 
Bakit kilala ang mga sinehan sa Quiapo? Dahil ba class A ang mga sinehan dito? Nakapanood ka na ba ng mga back to back movies ng mga gulay sa bahay kubo? Pamilyar ka ba sa mga sinehan tulad ng Imperial Cinema, Diamond Theater at Coronet... Siguro nga sa mga bata na nagbabasa nito mapapakamot ka at baka murahin mo ako (Tang ina, ano pinagsasabi nitong gagong ito!!!!). OO na Sige na kayo na mga bata, ito ang mga sinehan nung araw na madalas naming puntahan dahil wala pang SM Cinema, Rockwell, Greenbelt at mga I-Max noon. Ito ang mga sinehan na sinehan talaga, mga sinehan na hindi makikita sa loob ng mall kung hindi isang establishimyento na pupuntahan mo para manood lang ng sine.
 
Isa sa pamantayan ngayon ng estado ng tao kung saan ka nanonood ng sine, isa nga yan sa mga madalas na status ng mga tao sa Facebook "Watching movie in Rockwell" o kaya " movie night with the girls at Greenbelt" syempre kung sa mga sosyal na moviehouse ka manonood tiyak na maraming like at comment ang makukuha ng post mo. Wala pa akong nakitang status na "Dito ako Ubelt enjoying a back 2 back movie" ayos, dalawa lang iisipin sayo ng tao, pwedeng isipin nila na namamakla ka kung lalake ka dahil wala kang pang-tuition fee o kaya naghahanap ka ng sugar daddy na DOM kung babae ka pambili ng load...Masakit man pero yan ang kasalukuyang pagiisip ng lipunan na mapanghusga.  
 
Tanong pa dyan kung IMax ba yan, 3D or HD ang pinapanood mo my friend! Sino maniniwala sayo na may HD yung Kimi Dora o kaya yung Babae sa Breakwater, kaya bago ka magpost isipin mo kung ka-HD HD ba yang pinapanood mo. Ta%^ &^a yung iba panay ang status na nanood sila ng HD at IMax kung tatanungin mo kung maganda yung palabas ang sagot sau "K lang", feeling cool ka! Mukha mo di mo lang naintindihan kasi English, anong alam mo sa cinematography at screenplay aber, ako mismo aminado ako na di ako batikan sa mga pelikula pero parang awa mo naman wag ka na magyabang kung ang naintindihan mo lang ay yung ending pag nandyan na ang mga pulis at yung mga bida ay sumasayaw sila sa tabing dagat sabay kanta ng humanap ka ng panget....
 
Pakialam ko ba diba eh pera nila yun o kaya pera ng mga jowa nila na hiningi rin nila sa magulang nila bakit masyado ako apektado, sige na titigilan ko na kayo.
 
Noon ang pagpanood ng sine ay di ganun ka big deal kasi nga naman wala pang DVD, VCD at Torrent na kung saan lahat ay pwede mong mapanood at madownload ng walang kahirap hirap.Di pa naman ganun ka-active ang mga social network para ipagyabang mo kung saan ka nanonood ng sine dahil MS Dos pa lang ang kompyuter noon. Pero ngayon pag nanood ka ng sine kailangan mo na i-status yun sa facebook at i-tweet mo sa twitter, isama mo na rin yung inorder mong pop corn at rootbeer sabay banat ng Instagram. Isa pa sa napansin ko ngayon ang mga sinehan ay may tinatawag nang "Sure Seats" kung saan sure ka nga na may maayos kang uupuan at pwesto ang nakakalungkot lang di mo na pwede ulitin ang palabas na pinapanood mo, naalala ko nanood ako nang Star Wars Episode 1 kung saan inulit ko sya ng apat na beses paglabas ko isa na akong ganap na Jedi, ngayon pagbukas ng ilaw ibig sabihin lang nun tumayo ka na at may iba pang uupo ungas.
 
Siguro nga marami nang pinagbago ang panonood ng mga pelikula bukod sa di na natin masyado tinatangkilik ang mga sariling atin at tinatyaga pa natin na sa DVD na lang ito panoorin, kung presyo lang din naman kasi ngayon ng pagpanood ng sine mas uunahin mo nga naman ang kalam ng sikmura kaysa ibigay kay Henry Sy at Gokongwei ang pera mo. Dun naman sa mga sinehan sa Quiapo at Aurora gusto ko man kayong panooran muli ngunit ayaw ko naman makita sa kamera ng XXX at imbestigador... ano nga ba palabas ngayon sa Ali Mall?

Lunes, Oktubre 22, 2012

Cyber Crime Law, Tropa ka ba o epal lang talaga....













CYBER CRIME LAW, Tropa ka ba o Epal lang talaga....
By: Trese
 
 
Nung mga nakaraang araw marami akong napansin sa fb (Facebook) na mga kakaibang bagay, akala ko bago syang style or pa mysterious effect lang or pautot, yun pala isa na syang paraan ng alyansa at protesta ng mga parekoys, ang mga tropa at peeps ay naglalagay ng itim na DP (Profile Pic) sabayan pa na itim na coverphoto para terno daw. Tanong ako anong meron nampucha? Dahil siguro sa dami ng ginagawa ko wala na akong panahon manood ng balita at makichismis sa senado at kongreso.
 

Napagalaman ko na may panukala sa senado nung mga nakaraang araw, di ko alam??? sabi napasa na daw at pinirmahan na nung lalakeng nagaakay para sa tuwid na daan yung batas na tinatawag na "Cyber Crime Law" or tinatawag na Republic Act 10175 . Yan yung batas na pinasa ng mga repapips sa senado at dahilan ng maraming galit na internet users. Freedom of speech daw ang nawala at ninakaw dahil sa batas na ito, tipong pagshare at paglike ng mga bagay sa facebook ay pwedeng maging dahilan ng pagkaka-kulong... sabi yata 12 taon hahaha di ko sure, sa mga tweet mo sa twitter ay pde rin maglagay sayo sa malalamig na rehas ng bilangguan, buti na lang nakalimutan ko password ko sa twitter"pa-follow po, follow din kita"bwiset!!!
 
 
Sa tulad kong di naman masyado hinimay himay ang tunay na dahilan at mga pasikot sikot ng Cybercrime law na yan ang nasabi ko lang noon ay  "OA naman nila tweet, like at share pwede ka na mabagansya" Kung parehas tayo na naniwala lang agad sa mga posts ng mga friends mo na di mo pa nakita sa personal sa Facebook dahil add ka lang ng add , yun lang parehas tayong ugok!
 
Di naman ako umabot sa punto na nagpost kunyari ng "Stop Cybercrime Law" dahil nga wala naman akong sapat na kaalaman ukol dun sa batas na yun, di naman ako nagpalit ng profile pic ng plain black at asawa ko pa rin naman ang cover photo ko, naks (dagdag baon ha) ,at di ko pa naman inaway si Tito Sotto dahil sa batas na ito, big fan pa rin naman ako ng Eat Bulaga at Iskul Bukol.
 
Natawa pa nga ako sa ilan na naglagay pa ng mga kung ano anong picture na pwede mangyari sayo pag nadali ka ng batas na ito, may nakabigti at kunyari handa daw silang makulong, weh hindi nga baka umatungal kayo sa kulungan pag katabi nyo na yung mga sigue sigue at bahala na gang. Mga pinoy talaga kahit anong mangyari dadaanin sa biro at katatawanan ang mga bagay. Pero tingin nyo ba dapat ba talagang seryosohin ang bagay na ito o hayaan lang tulad ng ibang batas na di rin naman maayos ayos at inaamag na tulad ng RH Bill, pagtaas ng sahod, same sex marriage at Sin Tax sa mga sigarilyo at alak.
 
Nakapanood pa nga ako ng isang talkshow tungkol sa Cyber crime law kung saan ininterbyu ni Boy Abunda si Senator Edgardo Angara tungkol sa kontrobersyal na batas, syempre ako na walang alam at aanga anga naki-usisyoso , nalaman ko na di naman dahil sa isang like, sa pagshare at pag re-tweet ay makukulong ka na agad, tayo talagang mga pinoy minsan OA (parang ako OA). Di pa naman ako naging biktima ng cyberbullying or paninirang puri (dahil wala na sirang sira na puri ko hehehe) sa internet at kahit anong social media. Pero paano nga naman yung mga walang alam na ginawan ng storya at chismis na halos di na makapasok ng opisina o kaya skwelahan dahil sa mga bagay na kumalat tungkol sa kanila. Nasobrahan lang siguro ako ng Gossip Girl XOXO. Paano yung mga taong nagpapicture ng normal ngunit dahil sa unting edit ng photoshop ay hinubaran na sila at nilagay ang mga pictures sa mga R18 na webisite, paano na yung mga naghahanap buhay lang gamit ang internet ay nagantso at nanakawan ng mga hackers.
 
Tunay ngang malawak ang internet ngunit gamit ang teknolohiyang ito pinapaliit din nito ang mundo, at sa isang biktima ng paninirang puri sa internet di kataka taka kung isang araw ay kitilin nya ang buhay nya dahil sa sobrang kahihiyan. Isa pang naintindihan ko na ang batas pala na kanilang ipinapasa ay mga batas na sinusunod na rin natin, ang pinagkaiba lang ay Internet based na ang mga krimen na sinusupil nito, sabihin natin libel, pag nilagay sya sa internet mahirap syang habulin dahil nga walang sapat na batas ang syang nagsasabi na bawal iyon. Pero ang tanong (SOBRANG LAKING TANONG????) may sapat ba tayong abilidad para hulihin at ayusin ang mga kabuluktutan sa internet. Yung normal na krimen nga nahihirapan tayo asa pa, yung mga kompyuter nga sa mga pampublikong kagawaran ang babagal paano pa kaya kayo manghuhuli ng mga hacker at cyber crinminals na buong buhay nila ay kompyuter at internet lang ang kaharap nila. Sabi nga nila wag mawalan ng tiwala sa gobyerno, sige na nga.
 
Siguro kailangan lang ng sapat na impormasyon ng ating mga kababayan (kasama na ako dun) kung ano nga ba ang batas na ito at kung ano ba maitutulong nito sa atin, wag agad magreact dahil yung crush mo nagpost ng "No to Cyber crime Law" at ni like mo agad dahil gusto mo lang na mapansin ka nya, i-poke mo na lang pre, or i-message mo na lang ng "eyow phowz" malay mo mas effective yun. Sige na magfriendster na nga lang tayo.