Linggo, Mayo 6, 2012

One of the Best Halo halo and Palabok

Kung taga-Taytay ka malabong di mo alam itong kainan na ito, Sa totoo lang dalawang beses pa lang ako nakakain sa lugar na ito, ang sigurado lang na di ko mabibilang ay kung ilang beses pa ako babalik dito, ang pangalan ng lugar ay "DORCED", kung nasa Taytay ka at gusto mo pumunta dun sabihin mo lang sa tri-cycle driver " Manong sa Dorced nga po"!. Siguradong alam na nila kung saan ka nila dadalhin, di sya pangalan ng barangay o kaya kalsada, pero yun na mismo ang pangalan nung kainan... Tungkol naman sa Halo halo panalo sya dahil di na kailangan ng asukal pre yung mga sangkap pa lang nya lahat natural at astig dude, sobrang mura pa pwede ka magpa-halo halo party, sabayan pa ng palabok sobrang pinoy pre...Di ko gusto magdetalye dahil gusto ko kayo mismo ang pumunta, sabay paguwi magtake out ng leche flan at ube...Pasalubong ko ha!

Dorced Refreshments - 17 Rosario St San Juan, Taytay Rizal (6585901, 6605695)